Thursday, November 21, 2013



I. Issue

Paano nakakatulong ang iyong pamilya sa pagpapataas ng Gross National Product ?

Tinatangkilik natin ang sariling atin. Kailangan nating bilhin ang mga produkto na galing sa atin, hindi sa ibang bansa. Kung bibili tayo ng chocolate, kailangan yung hindi mamahalin o hindi galing sa ibang bansa. Bibili na lang ako ng chocolate katulad ng Piaya at Hopia. Kung bibili naman tayo ng mga prutas, kailangan yung saging at mangga. Basta ang aking bibilhin ay galing sa aking bansa hindi sa ibang bansa. Makakatulong pa ako sa paglawak at pag-unlad ng aming bansa basta galing sa aking dugo at pawis na pagtatrabaho. Mahirap lang kami pero kaya kong bumangon at magsikap na maging taong hindi naghihirap sa buhay. Kapag namatay kami ng mahirap, kasalanan na iyon. Dapat kung mamamatay kami, kailangan may kaya o hindi naghihirap sa buhay.

Paano makakatulong ang pamilya sa pagkakaroon ng mabuti at produktong mamamayan ng bansa ?

Upang makatulong ang pamilya sa mamamayan ay sa pamamagitan ng pag tuturo sa kanilang mga anak ng mabuting asal at sa pag papaaral sa mga ito upang pag sila ay nakatapos ng pagaaral ay makapag trabaho at maging produktibo sa bansa.

II. Related Readings
http://mormon.org/tgl/pamilya
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/PamilyangPinoy/ang_pamilya.htm

III. Opinion

Mahalaga ang isang pamilya sa pagtaas ng GNP. Kung bawat pamilya ay mas pipiliing tangkilikin ang sariling atin kaysa sa mga imported na produkto, mas mapapabilis ang pagtaas ng GNP ng ating bansa at tayo ay makakatipid din sa gastusin sapagkat hindi hamak na mas mura ang mga lokal na produkto kumpara sa mga galing sa ibang bansa.

No comments:

Post a Comment